Araw ng Alumni 2017

MHPNHS-MAA

Inaanyayahan ang lahat ng nagtapos sa Marcelo H. del Pilar National High School (MHPNHS, dating kilala bilang Bulacan High School at Marcelo H. del Pilar High School) sa taunang pagtitipon sa Nobyembre 30, 2017 sa Malolos Sports and Covention Center mula ika-2 hanggang ika-6 ng hapon.

Magiging paksa ng general homecoming reunion ang “Sining at Kalinangan sa Inang Paaralan” upang itanghal ang talino at husay ng mga Del Pilarian mula sa Grade 7 hanggang Grade 12 ng High School at Senior High sa Kampus Sta. Isabel.

Magiging katuwang ng MHPNHS Alumni Association (MAA) ang apat na grupo ng jubilarians na pararangalan sa taong ito: Class 1957 (Diamond), Class 1967 (Gold), Class 1977 (Ruby), at Class 1992 (Silver).

Para sa karagdagang impormasyon at mga pabalita, subaybayan lamang ang MAA website (mhpnhs-maa.com) at ang MAA Facebook page (https://www.facebook.com/mhpnhsaa). Maari ring umugnay sa pangulo ng MAA na si Raffy dela Rosa (raffydelarosa@yahoo.com) o magtungo sa pansamantalang tanggapan ng MAA sa Richwell Colleges sa San Jose, Plaridel, Bulacan.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*