Hardin ng Gintong Alaala, Malapit Na!

MHPHS Building Facade

Hindi magtatagal at masisilayan na ng mga alumni ng Marcelo (ngayo’y Marcelo H. del Pilar National High School o MHPNHS) ang pinapangarap na Hardin ng Gintong Alaala (Garden of Golden Memories) sa bakuran ng kapitolyo ng lalawigan ng Bulacan.

Pinagtibay ng Ika-19 na Sangguniang Panlalawigan sa karaniwang pulong Blg. 30 ang Kapasiyahan Blg. 385-T’17 noong Hulyo 27, 2017 bilang tugon sa mahigpit na hiling ng pamunuan ng MHPNHS Alumni Association (MAA).

May pamagat na “Kapasiyahan na Itinatakda bilang isang Hardin ng Gintong Alaala ng Bulacan High School (BHS) at MarceloH. del Pilar High School (MHPHS) ang Paligid ng mga Labî ng Gintong Gusali (Golden Jubilee Building) ng MHPHS sa Bakuran ng Kapitolyo)”, ang nasabing resolusyon ay itinaguyod ng Kasangguni Ma. Lourdes H. Posadas ng ikalawang distrito.

Nilagdaan ng Punong Lalawigan Wilhelmino Sy-Alvarado at Pangalawang Punong Lalawigan Daniel R. Fernando–siya ring Pinunong Tagapangulo ng Sanggunian–ang mahalagang resoluyon (nasa mga larawan ang kompletong teksto).

Itinagubilin din ng Sangguniang Panlalawigan na hilingin sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) na “malagyan ng landmark at maisama sa mahalagang yamang pangkalinangan ayon sa Batas Republika 10066” ang naturang Hardin.

Resolution No. 385-T'17 Page 1 Resolution No. 385-T'17 Page 2

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*