Sa Pagpapakilala ng Bulacan High School: Antolohiya ng Alaala

Dr. Cecilia N. Gascon

Sa Pagpapakilala ng Bulacan High School: Antolohiya ng Alaala

ni Dr. Cecilia N. Gascon
Pangulo, Bulacan State University

Isang napakamakabuluhang gawain ang balik-tanawin ang nakaraan tulad nga ng kasabihang Tagalog, ‘Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.’ Ngunit ngayon ay gusto ko itong dagdagan, ‘Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi pahahalagahan ang kasalukuyan.’

Binabalik-tanaw natin ang nakaraan dahil hindi dahil gusto nating bumalik o manatili doon, kundi dahil ang kasaysayan ay kailangang umusad, at ang lipunan ay kailangang umunlad. Subalit anumang pag-unlad ay magiging mababaw, salat sa kahulugan at pakinabang,  kung kakalimutan natin ang mithiin, aral, at tagumpay ng nakaraang mga panahon.

Kaya nga isang tagumpay para sa Marcelo H. del Pilar High School Alumni Association ang paglulunsad ng aklat na Bulacan High School: Antolohiya ng Alaala sapagkat ito’y magsisilbing bantayog ng paghubog sa nakalipas na mahigit isang siglo. Ang mga sanaysay, larawan, at tala na nilalaman ng aklat na ito ay patunay na nasuong na ng Paaralan ang iba’t ibang pagsubok ng panahon. Binabati ko ang mga nagsikap upang maisakatuparan ang proyektong ito. Naiinggit kami sa inyong nagawa at gagawin namin itong inspirasyon upang maisulat din namin ang katulad na aklat ng BulSu.

Alam kong marami pang tagumpay ang isusulat tungkol sa MHPNHS, at ito ay simula ng marami pang taon ng pag-unlad.

Mabuhay tayong lahat!

To God be the glory!

 

[Bahagi ng binigkas na pananalita sa Pagpapakilala ng Bulacan High School: Antolohiya ng Alaala sa University Hostel ng BulSU noong Abril 19, 2017. Makikita sa mga larawan sina Dr. Gascon matapos pagkalooban ng kopya ng libro at lumang larawan ng gusali ng BHS, nina Raffy dela Rosa, pangulo ng MAA, at Perfecto Martin, compiler at editor ng libro. ]

Dr. Cecilia N. Gascon
From left to right: Raffy Dela Rosa (MAA President), Dr. Cecilia N. Gascon (BulSU president), Pefecto T. Martin (compiler and editor)
Dr. Cecilia N. Gason
Dr. Cecilia N. Gascon being given a copy of the book and a picture of Bulacan High School by Perfecto T. Martin, with Raffy Dela Rosa, president of the MAA, looking on.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*