Simoy ng Bagong Simula

MHPNHS-MAA
The officers and representatives of the MHPNHS Alumni Association with the new principal, Reynaldo M. Diaz.

Mga larawan ito noong Biyernes, Hulyo 21, 2017 sa kampus Sta. Isabel ng ating alma mater, Marcelo H. del Pilar National High School. Nagsimula ang araw sa pansamantalang tanggapan ng prinsipal nang magkasamang kapanayamin ng The Republic, Ang Malaya, at MAA website (mhpnhs-maa.com) ang bagong talagang prinsipal, G. Reynaldo M. Diaz at magkaroon ng courtesy call ang opisyal na pamunuan ng samahan ng alumni o MHPNHS Alumni Association, Inc. (MAA). Sa hapon naman idinaos ng mga guro, kawani, estudyante, at alumni ang Welcome Programpara sa bagong prinsipal sa gymnasium ng paaralan. Ang mga ulat at larawan ng iba’t ibang dumalo ay mababasa sa Facebook at iba pang publikasyon. Ngayon pa lamang, nadarama na ng MAA, sa kabila ng maalinsangang araw na iyon sa Sta. Isabel, ang simoy hindi lamang ng pagbabago kundi ng pag-asang nasa isip at damdamin ng marami, sa pagsisimula ng isang bagong yugto sa kasaysayan ng paaralan.

Joseph Armin Antonio, newly-elected president of the MHPNHS Faculty and Employees Association, giving the opening speech.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*